Tulad namin, bago dumating ang mahal na araw kaming magpipinsan ay nag plano mag punta sa pagudgud para makapamasyal dun. kaya lang bigla naman nanganak ung isang pinsan namin so, nag decide kami na huwag na lang lumayo kasi wala siya makakasama.
Kaya ang bagsak namin ay sa San Fabian beach, malapit lang mula sa aming hometown. Ang mga bata walang humpay na naligo sa dagat mula umaga na dumating kame hanggang hapon. kaya ayun ang resulta nila nognog hehehe ;)) ilan lang sa aming mga adults ang hinde naligo sa dagat takot mangitim hahaha!
Kinabukasan naman sa baguio ang aming destinasyon. bago kame namasyal sa baguio naisipin namin dumadaan sa catheral. sa dami nang tao hinde na kame nakapasok sa loob nang simbahan sa labas na lang kami nakinig nang sermon ni father. ang salita? ILOKANO hinde ko maintindihan kaya after nang mass tinanong ko nanay ko kung anu sermon ni father. ang sermon pala ay tungkol sa mga magulang na pabaya sa anak at sa mga anak na pasaway sa mga magulang. naalala ko tuloy nung ako'y bata pa.(teenager) hehehe. pasaway ayaw makinig sa magulang. kaya nang ako'y naging magulang naintindihan ko na sila hehehe. hangad lang naman nang mga magulang magandang kinabukasan sa mga anak eh.
kaya yung mga pasaway na anak dyan, always listen too your parents for your own good...
And lastly, don't forget the true meaning of "holyweek" the time to commemorate and enact the suffering (Passion) and death of Jesus through various observances and services of worship.
No comments:
Post a Comment